NEDA, imo-modify sa taripa ng mga e-vehicles para mahikayat ang publiko na gumamit nito

Inendorso ng National Economic Development Authority ang isang executive order (EO) na layong i-modify sa ipinapataw na taripa para sa mga electric vehicles o EVs.

Sa MalacaƱang press briefing, sinabi ni socioeconomic planning Secretary Arsenio Balisacan na layon ng naturang EO na bawasan ang taripa sa loob ng limang taon para sa mga EVs kabilang na ang mga passenger cars, mga bus, vans, trucks, motorsiklo, scooters, at mga bisikleta; pati na rin ang mga parts nito.

Ani Balisacan, layon nitong mahikayat ang publiko na gumamit na ng mga e-vehicles imbis na mga tradisyunal na mga sasakyang gumagamit ng diesel o gasolina.

Sa ganitong paraan, maa-address na ang mga isyu ng polusyon para sa mas malinis na kinabukasan.

Makatutulong din ito para mapabilang ang Pilipinas sa global chain ng mga EVs, at makabahagi sa posibleng pag-develop ng industriyang ito sa ating bansa.

Sa huli, tiniyak ng Kalihim na ang ginawang pag-modify sa tariff rates ay hindi makaaapekto sa tanunang revenue ng Gobyerno.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *