Pinabulaanan ni National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan ang mga spekulasyong nagsasabing kinukuha siya para pumalit kay Pangulong Bongbong Marcos bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Balisacan, wala siyang ganoong klaseng offer.
Kung maaalala ay may mga lumutang na balita na ang kalihim ang siyang tinitingnang magte-take over sa posisyon ni Marcos sa pamumuno sa DA.
Bilang head ng NEDA, si Balisacan ay bahagi ng economic managers ng pamahalaan.
Sa huli, inilarawan naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na siyang pinuno ng economic team ng Pangulo, na isang “sound proposal” ang appointment kay Balisacan sa top DA post.