NAGA CITY – Napasok ng magnanakaw ang apartment na inuukupa ng isang negosyante sa Naga City.
Sa ulat ng Naga City Police Office nangyari ito bandang alas 11:45 ng gabi sa isang subdibisyon sa Barangay San Felipe. Ayon kay Catherine Macapagal, 44-anyos na residente ng Bombon , Camarines Sur , laking gulat nito na may lalaking nakapasok , suot nito ang multiple t-shirt, dark short pants at ball cap. Dumaan sa unlock na bintana ng paliguan.
Tinutukan ng kutsilyo at binantaan na kung sisigaw ay sasaksakin. Tinakpan ang bibig at itinali ang kaniyang kamay at paa gamit ang extension wire and charger wire.
Nakuha ng magnanakaw ang cellphone , mga ID at cash na P500.00. Hindi pa nakontento kinuha pa ang susi ng sasakyan ng biktima.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan at pagkakahuli ng suspek.