Negosyante na nagtangkang manuhol sa tauhan ng LTO, arestado

SORSOGON CITY – Inaresto ng mga tauhan ng Sorsogon City Police at LTO-RO5 patrol officers ang isang negosyante matapos magtangkang manuhol kapalit ng pagre-release ng tatlong driver’s license at tatlong plate number na kinumpiska dahil sa paglabag  sa regulasyon ng prankisiya.

Kinilala ang negosyante na si Sabrina Lopez Escarda, 46-anyos, may asawa at naninirahan sa Purok Macapagal, Brgy Buhatan, East District, Sorsogon City.

Sa ulat na nakuha ng Brigada News, dumulok umano ang hepe ng LTO-RO5 na si Vincent Nato sa Sorsogon Police upang i-report na isa sa kanyang tauhan ay sinusuhulan kapalit ng pagrelease ng mga dokumentos sa nahuli nilang colorum vehicles.

Matapos ang matagumpay na entrapment operations sa suspek, nasamsam ng mga operatiba ang suhol na pera na nagkakahalaga ng P65, 000.00.

Inihahanda na ng Pulisya ang kaukulang kasong isasampa sa suspek matapos ito isailalim sa physical at medical examination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *