Negosyante, na-scam umano ng mga nag-aalok ng libreng sabon

Inalerto ng isang residente sa Narra Palawan ang publiko upang maiwasan ang mga scammer o modus ng mga ito matapos umano siyang mabiktima nitong araw ng Linggo, February 12, 2023.

Ayon sa hindi pinangalanang negosyante na taga- Poblacion sa Narra, habang nagpapahinga siya kahapon sa bahay ay dumating ang tatlong scammer.

Inalok raw siya nito ng libreng sabon dahil anibersaryo di umano ng kanilang kompanyang kaya nagbibigay sila ng libreng detergent bar at powder.

Tinanggap ito ng biktima at nagpasalamat subalit nagulat ito nang bigla siyang alukin ng kaparehong produkto ngunit may bayad na P495.

Sa pagkakataong iyon ay binili ng biktima ang produkto subalit nagmakaawa ang  dalawa pang ibang kasama nito para bilhin din ang produktong sabon.

Sa huli, nalaman ng biktima na ang binili niyang sabon ay hindi agad na bumubola at tila ginupit-gupit lamang na ‘plastic’ ang laman nang kanya itong buksan pag-alis ng mga scammer.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *