Negosyante, nabiktima ng “Basag-Kotse” sa Bauan, Batanga

Hindi inasahan ng businessman na si Joeffrey Amurao na sa simpleng pagpa-park niya ng kanyang sasakyan sa tapat ng isang coffee shop sa Bauan, Batangas ay doon na mawawala ang ilan sa mga mahahalaga niyang gamit kagaya ng mga ID’s at ATM.

Na-biktima na pala siya ng basag-kotse gang.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bauan Municipal Police Station, matapos na bumalik ng biktima galing sa isang coffee shop nang mapansin niyang basag na ang kanang bintana ng kanyang kotse.

Doon na niya nadiskubre na nawawala ang kanyang gamit kabilang ang kanyang itim na bag na naglalaman ng passport, assorted Id’s, ATM, credit card at pera na nagkakalahaga ng P1,300.

Kapansin-pansin naman ang mga bato na nasa tapat mismo ng kotse ng biktima na siya umanong ginamit ng suspek sa pagbasag.

Sa ngayon ay blanko pa ang mga awtoridad kung sino ang nasa likod ng pagnanakaw, ngunit nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *