Negosyante, nakaligtas sa riding-in-tandem sa Tanauan, Batangas

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril ng riding in tandem sa isang negosyante habang ito ay sakay sa kanyang sasakyan sa Brgy. Balele, Tanauan City, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Jerry Ramirez y Silva, 42 anyos at residente ng naturang barangay.

Kinumpirma sa Brigada Batangas ni Lt. Col. John Rellian, hepe ng Tanauan City Police Station, nakaligtas sa naturang pamamaril ang biktima at nagpapagaling na sa ospital matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa imbestigasyon, minamaneho ng biktima ang kanyang Hi-Lux pick-up bandang 10:30 noong Lunes ng umaga ng bigla na lamang na sumulpot ang riding-in-tandem sa gilid at pinaulanan siya ng bala.

Nagtuloy-tuloy sa pagmamaneho ang hindi nakikilalang suspek patungo sa Brgy. Boot ng naturang lungsod.

Naiwan namang sugatan ang biktima sa kotse na agad namang isinugod sa ospital.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng bala at dalawang deformed fired bullets.

Dagdag pa Col. Rellian na posibleng may kaugnayan sa kanyang negosyo o utang ang motibo ng mga suspek.

Nagpapatuloy ang pagtugis sa dalawang suspek kasabay sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa naturang pamamaril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *