Negosyante, patay sa pamamaril sa Lipa City

LIPA CITY – Patay ang isang negosyante matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Lipa City, Batangas bandang 6:45 kagabi.

Kinilala ang suspek na si Hydie Bathan y Umali, 37 anyos, tubong Calauag Quezon at kasalukuyang residente ng Purok 3, Barangay San Carlos ng nasabing lungsod.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Lipa CPS, nasa loob ng kanyang tindahan ang nasabing biktima nang lapitan ng gunman at binaril ng isang beses sa ulo.

Dead on the spot ang biktima dahil sa natamong tama ng bala.        

Agad namang tumakas ang suspek patungo sa hindi nalamang direksyon dala-dala ang baril na ginamit sa pagpaslang.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa motibo ng suspek sa pamamaril. | Clay Marquez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *