Negosyante sa China, inaresto dahil sa paglalagay ng droga sa mga itinitinda niyang noodles

Guanxi, CHINA– Isang negosyante sa Guanxi Province sa bansang China ang inaresto ng mga otoridad dahil sa paglalagay nito ng droga sakanyang ibinebentang noodles.

Ayon sa report ng local media, nadiskubre ng mga otoridad ang iligal na modus ng negosyante matapos na mag positibo ang isang customer nito sa isinagawang random drug testing, sakanyang pinag ta-trabahuhang kompanya.

Bagay na ikinagulat nito at itinanggi na gumagamit siya ng iligal na droga.

Sa isinagawang pag-i imbestiga ng mga pulis sa biktima kaugnay ng kanyang mga ininom at kinain sa mga nakalipas na araw, sinabi nitong makailang beses siyang kumain ng noodles sa restaurant na pagmamay-aari ng suspek.

Bunsod nito, nagsagawa ng surprise visit ang mga pulis sa naturang restaurant at dito na nila nakumpirmang positibo sa morphine – (isang active component ng opmium) ang itinitindang noodles mula dito.

Agad na nagsagawa ng raid ang mga pulis sa restaurant kung saan positibong naaresto ang negosyante habang narekober naman sa posesyon nito ang 76 na gramo ng poppy seed powder.

Paliwanag ng suspek, ang paghalo ng droga sakanyang mga itinitindang noodles ang tanging naisip niyang paraan upang balik-balikan ng mga customers ang kanyang restaurant.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *