Aprubado na sa Kamara ang panukalang batas na nagtatatag sa Negros Island Region (NIR).
Ang House Bill 7355, na nakakuha ng 290 yes votes.

Ayon sa panukala, ang NIR ay bubuohin ng Negros Oriental, Negros Occidental at Suquijor kasama ang Bacolod City.
Kabilang sa panukala ang pagbuo ng NIR technical working group upang magbigay ng rekomendasyon sa Office of the President kaugnay ng institutional arrangement at itatayong regional offices ng iba’t ibang ahensya.//CA