Nepal PM nagpasaklolo sa international community dahil sa COVID-19 surge

Nanawagan ng tulong sa international community si Nepal Prime Minister K. P. Sharma Oli dahil sa surge ng COVID-19 cases.

Ayon sa report, nakakapagtala ang Nepal ngayon ng 20 daily COVID-19 cases sa bawat 100,000 people na halos kaparehong bilang na naitala sa India ilang linggo na ang nakakaraan.

Napag-alaman na 44% COVID-19 test sa Nepal ang positibo sa virus na pinangangambahang magresulta sa krisis.

Kaugnay nito, sinabi ni Nepal Red Cross Chairperson Dr. Netra Prasad Timsina na hindi malayong mangyari din sa kanila ang nakakatakot na sitwasyon sa India kung hindi nila mapipigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 na kumikitil sa buhay ng marami.

Kinumpirma ni Dr. Samir Adhikari ng Nepal Ministry of Health na araw-araw ay lumalala ang sitwasyon ng kalusugan sa kanilang bansa.

Base sa rercord, nagsimulang tumaas ang daily infections sa Nepal noong kalagitnaan ng Abril ilang linggo bago nagsimula ang second wave ng krisis sa India

Maituturing na “fragile” ang health system ng Nepal na mayroong mas konting bilang ng mga doktor kumpara sa India at mas mababang vaccination rate kumpara sa maraming bansa. (LEO NAVARRO-MALICDEM)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *