Nesthy Petecio, inamin na bronze lang ang hiniling noon para sa kaniyang mga kapatid

Inamin ng Olympic silver medalist na si Nesthy Petecio na bronze medal lang ang hiniling niya mula sa Panginoon para sa kaniyang pagsali sa Tokyo Olympics.

Ipinaliwanag ng Pinay boxer na nais niyang makuha ang prize money sa pagiging isang medalist upang magamit ito para maibalik sa Pilipinas ang kaniyang mga kapatid na nasa Japan.

Iginiit ni Nesthy na pakiramdam niya na ang lakas niya sa Panginoon dahil silver ang ibinigay nito sa kaniya.

Bukod sa silver medal ay inaasahang makakatanggap si Nesthy ng tinatayang P17-million cash reward mula sa gobyerno at private donors, residential properties, free flights, free milk tea at iba pa.

Matatandaan na napunta kay Petecio ang silver medal matapos ang kanilang laban ni Sena Irie ng Japan sa women’s feathweight finals noong Martes.

Mababatid na gumawa ng kasaysayan si Nesthy matapos nito maging kauna-unahang Pinay boxer na nakakuha ng Olympic medal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *