Netizens nag react sa “see you soon” post ni Heart Evangelista para sa kanyang asawa na si Sen. Chiz Escudero

Nag react ang mga netizens sa “see you soon” post sa Instagram account ni Heart Evangelista para sa kanyang asawa na si Sen. Chiz Escudero.

Binasag na ni Heart  ang kanyang pananahimik matapos ang limang buwang espekulasyon tungkol sa kanila ng mister na si Sen. Chiz.

Sa Paris, France nagdiwang ng Pasko si Heart. Pero sa kanyang Instagram video, ipinahiwatig niyang magkikita sila ng mister sa New Year.

Ikinatuwa ng mga fans ang muling pagkikita ni Heart at ng kanyang mister sa Pilipinas.

Kamakailan napabalitang tila may problema ang mag-asawa mula nang tanggalin ni Heart ang apelyidong “Escudero” sa kanyang Instagram account noon pang buwan ng Agosto.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *