Nets pinapipili ni Kevin Durant: Siya o ang coach/GM

Naglabas ng ultimatum ang megastar na si Kevin Durant sa Brooklyn Nets – kung saan pinapipili nito ang club sa pagitan niya o kay coach Steve Nash at general manager Sean Marks.

Mababatid na well-documented na hiniling ni Durant ang trade noong katapusan ng Hunyo.

Bagama’t walang nakakaalam ng dahilan hanggang sa ngayon, pero sinasabing hindi naniniwala si Durant sa direksyon ng club sa kamay ni Marks at Nash.

Batay sa ulat ng The Athletic, nagkaroon ng pulong sina Durant at Nets owner Joe Tsai noong Sabado sa London, kung saan naging transparent at professional ang kanilang pag-uusap.

Noong Sabado ang isang taong anibersaryo ni Durant sa kanyang paglagda ng four-year $198 million extension sa Nets, at nakatakda itong gumawa ng $42.97 million para sa 2022-23 season, para simulan ang naturang extension.

Leave a Reply

Your email address will not be published.