Plano ng Bureau of Corrections (BuCor) na isara na ang New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City sa 2028 at ilipat ang mga preso sa ibang penal farms.

Ito ay dahil hindi na umano praktikal ang pananatili ng NBP sa Muntinlupa dahil napapalibutan ito ng subdibisyon at nangangamba ang mga residente sa banta ng kanilang seguridad.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang, balak rin nila na magpadala ng 80% ng mga inmates bilang paghahanda sa pagsasara.
Sa kasalukuyan, nasa 30,000 persons deprived of liberty (PDL) ang nananatili sa NBP.