New Zealand PM Ardern, bababa sa pwesto sa susunod na buwan

Inanunsyo ni New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na bababa na siya sa puwesto sa susunod na buwan.

Bababa si Ardern bilang Labour Party leader bago mag-Pebrero 7 kaya magkakaroon ng botohan sa mga susunod na araw para sa kanyang magiging kapalit.

Ipinaliwanag ni Ardern na pinag-isipan niyang mabuti ang kanyang desisyon noong summer break.

Kabilang sa mga pinakamatinding hinarap ni Ardern ang COVID-19 pandemic, Christchurch mosque shooting at ang White island volcanic eruption.

Si Ardern ang pinakabatang babaeng head ng gobyerno sa buong mundo nang mahalal itong Prime Minister noong 2017 sa edad na 37.

Nakatakdang magsagawa ng general election ang New Zealand sa October 14, 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *