NAGA CITY- Sa presinto na inabot ng umaga ang isang newly elected Punong Barangay sa Naga City matapos na masangkot sa trouble.
Sa ulat ng Naga City Police Office nangyari ito bandang alas-11 ng gabi sa tapat ng isang inuman sa Barangay Dayangdang. Sa ulat pa ng NCPO, naghihintay ng kanilang kaibigan ang isang 19-anyos na binata at kasama nitong menor de edad. Dumating si Jacky Villafuerte, 37-anyos na newly elected Barangay Captain sa Peñafrancia Naga City , bumaba sa kaniyang sinasakyan at basta na lamang umanong sinapak ang binata sa hindi malamang dahilan.
Habang kumukuha ng video ang menor de edad nairita umano ang elected official at inagaw ang cellphone hanggang sa masira. Itinulak pa ang pangalawang biktima at natumba sa daan ayon pa sa ulat.
Naaresto ang suspek na pinaniniwalaang lasing pero hindi pa umano inirespeto ang mga otoridad. Nasa kostudiya ng PNP ang kahahalal pa lamang na opisyal.
Sinabi nito sa panayam ng mga kawani ng media na may bigla na lamang may tumubtob sa kaniyang sasakyan kaya itinabi niya nito, na provoked aniya siya pero hindi niya intensyon na saktan ang mga biktima. Siya pa aniya ang tumawag ng tanod at pulis. Hindi nito nabanggit kung nakainum.
Bilang elected official hindi aniya kaaway ang hanap niya kundi mga kaibigan. Humungi ito ng paumanhin sa sisilbihang barangay. Sasagutin din nito ang pagpapaayos ng cellphone.
Mag-uusap ang magkabilang panig sa susunod na hakbang.