Newly identified drug personality, timbog sa buy bust operation sa Mallig Isabela

Arestado ang isang Newly Identified Drug Personality kagabi, unang araw ng Hulyo sa ikinasang drug buy bust operation ng mga awtoridad sa Mallig Isabela.

Nakuha sa pag-iingat ni alyas “Jules” ang isang pakete na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na siyang buy bust item; isang P1000 peso bill na siyang buy bust money; isang P500 at P200 peso bill; tatlong piraso ng P100 peso bill; isang cellphone, isang unit ng LCD para sa cellphone; isang piraso ng screw driver; isang piraso ng spur plug, mga resibo at motorsiklo na walang plaka.

Kaugnay nito, dinala ang suspek sa Mallig Police Station at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa kaniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *