NGCP, nagbabala ng posibleng kakulangan ng suplay sa kuryente ngayong summer

Nagbabala ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magkakaroon ng “tight power supply” ngayong summer dahil sa mataas na demand para sa 2023.

Kaugnay nito, tinataya ng Department of Energy (DOE) ang total peak power supply demand na 13,125 megawatts para sa Luzon na mangyayari hanggang sa katapusan ng May 2023.

Ito umano ay 8.35% na mataas mula sa actual 2022 peak load na 12,113 megawatts sa May 2022.

Para naman sa Visayas, sinabi ng NGCP na ang peak demand ay nakikitang mangyayari sa September 2023, habang sa Mindanao say sa Hunyo.

Sa forecasts naman ng  NGCP, nasa 16.19% ang increase na demand para sa Visayas ngayong taon, habang 10.52% increase ang inaasahan sa Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *