NGCP: Rotational brownouts, posibleng magtagal pa ng hanggang June 7

Asahan ng mga electricity consumers sa Luzon ang pagpapatupad ng rotational brownouts sa buong unang linggo ng Hunyo sa gitna ng manipis nang power supply na nagresulta mula sa planned at unplanned outages sa ilang power plants.

Ayon kay National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) spokesperson Cynthia Alabanza, ang red at yellow alert statuses na itinaas sa Luzon grid ay magpapatuloy hanggang sa Hunyo 7, maliban sa weekends dahil ang power demand ay kadalasang mababa kada Sabado at Linggo.

Una nito, isinailalim ng NGCP ang Luzon Grid sa Yellow Alert mula alas 9 a.m. hanggang alas 10 a.m., mula 5 p.m. hanggang 6 p.m., at mula 10 p.m. hanggang 12 a.m. kahapon, habang Red Alert mula alas 10 a.m. hanggang 5 p.m. at mula 6 p.m. hanggang 10 p.m., na indikasyon na mayroong zero ancillary services o umiiral ang generation deficiency.

Ipinatupad rin ito sa gitna na ang available capacity ng grid ay nasa 11,408 megawatts habang ang peak demand ay nasa 11,593 megawatts (MW). // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *