NGCP: Wala nang aasahang red, yellow alerts

Wala na raw inaasahang pagtataas ng grid situation alerts ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa nalalabing mga araw ng taon.

Ito ay kasabay umano ng pagbaba ng demand sa kuryente ngayong panahon ng tag-ulan.

Sa isang press briefing, sinabi ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza na wala silang nakikitang karagdagang alert sa ngayon.

Dahil aniya umuulan na, hindi na mataas kumonsumo ng kuryente ang mga tao, kabaliktaran sa nangyayari tuwing tag-init.

Kung hindi raw magkakaroon ng pagpalya sa maraming planta ngayong taon, dapat ay walang mangyayaring pagtataas ng alert status.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *