NHC tumanging isailalim sa inspeksyon ang lumang istraktura na nasa pribadong lote sa Brgy. San Francisco, Naga City; lugar posibleng gawing private parking area

NAGA CITY – Pinag-uusapan pa rin ng City Government ng Naga at ng may-ari ng pribadong lote sa Barangay San Francisco, kung ano ang magandang gawin sa lugar na hindi masisira o magigiba ang lumang istraktura doon na naitayo pa ng panahon ng Kastila.

Ang naturang lote ay pag-aari ng isang mayamang negosyanteng abogado sa lungsod.

Hindi puwedeng gibain o gumawa ng anumang paggalaw sa lote dahil na rin sa inilabas na cease and desist order mula sa National Historical Commission na dapat i-preserba ito dahil sa may historical value ito.

Sa history ng lungsod, ang istraktura ay dating arsenal o imbakan ng mga baril ng mga Pilipinong lumaban sa mga mapang-abusong Kastila, naging taguan din nila noong panahon na pananakop at naging Provincial Jail pa ito.

Batay sa paliwanag ni City Councilor Jose Perez, Chairman ng Culture and the Arts at Tourism sa konseho, sinabi niyang nagkaroon sila ng committee hearing at naimbitahan ang may-ari ng lote, hindi dumalo ang kahit isang personahe ng National Historcial Commission na kanilang inimbitahan.

Ayon sa Konsehal, pinag-uusapan nila at ng may-ari ng lote kung anong puwedeng gawin sa lugar na hindi magagalaw ang lumang istraktura.

Puwede aniya itong gawing private parking area, sabi ni Perez para mapunuan ang pagkukulang sa parking area sa lungsod.     

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *