NIA Albay, nakahanda sa posibleng pagtama ng El Niño

LEGAZPI CITY – Inihayag ng National Irrigation Administration (NIA) Albay na nakahanda sila sa mainit na panahon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Bernardita Balingasa, Acting Chief kan NIA Institutional Development Section, sinabi niya na mayroon na silang mga isinasagawang hakbang ma may kinalaman sa kanilang paghahanda at upang magkaroon ng masaganang produksyon ng mga palay.

Aniya, ipinag-utos na nila sa lahat ng mga irrigators at mga magsasaka na magakaroon ng tamang pamamahala sa tubig, pag-adjust ng cropping calendar ng mga irrigators associations at ang pagtatanim nang maaga upang hindi na maabutan pa ng sobrang init.

Sinabi niya na ang kinakailangan na lamang ay ang full implementation at ang buong pagsunod ng lahat ng mga magsasaka.

Binigyang-diin ni Balingasa na mahalaga ang pagtatanim nang maaga, lalung-lalo na ang pagpractice ng “diversified cropping” o ang pagtatanim ng mga mais at mga gulay.

Matatandaan, ito rin ang ipinunto ni Department of Agriculture Bicol Spokesperson, Lovella Guarin, sa isang panayam, kung saan, ayon sa kanya mas mainam sa mga magsasaka na agahan ang pagtatanim habang hindi pa dumarating ang napakatinding init o El Nino.

Paghihikayat din ni Guarin, sila ay gumamit ng mga drought tolerance variety na mga palay at early maturing crops.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *