NIA- Camarines Norte tuloy- tuloy ang information dissemination kaugnay sa condonation program

CAMARINES NORTE- Tuloy-tuloy ang information dissemination ng National Irrigation Administration (NIA) kaugnay sa kanilang condonation program para malinis ang pagkakautang ng mga magsasaka.

Kahapon ay nagtungo ang mga tauhan ng NIA sa bayan ng Labo para sa naturang aktibidad na ginanap sa Labo Sports Complex.

Ayon kay Mar Villamonte, Information Officer ng NIA- Camarines Norte ang dumalo sa aktibidad ay mga magsasaka mula sa tatlong Barangay na sakop ng Matogdon RIS, ito ay ang Barangay Malasugui, Guinacutan at Bautista.

Pagkatapos nito ay sunod namang tinungo ang Barangay Napilihan sa bayan ng Vinzons para mag proseso ng application.

Una nang inihayag ni Villamonte na magpapatuloy pa rin ngayong taon ang condonation program habang wala pang panibagong anunisyo ang Pangulo.

Kaugnay nito ay  patuloy na hinihikayat ng NIA ang lahat ng magsasaka sa National System mula sa mga bayan ng Daet, Vinzons, Talisay, Basud at bahagi ng Mercedes at Labo na nasa ilalim ng National irrigation system (NIS) na magtungo na sa kanilang opisina at i- avail ang programa.

Kinakailangan lang dalhin ang alinman sa mga sumusunod tulad ng Tax Declaration, EP, Certificate of Land Transfer at Certificate of Title.

Kung wala ng mga nabanggit na dokumento ay maaari umanong humingi ng certification sa Punong Barangay na magpapatunay na pag- aari ang lupa.

Kung tenant naman o taga gawa lang ay maaaring mag apply kasama ang valid ID ng taong magpo-proseso ng papel para sa condonation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *