NIA-Kalinga, sinimulan na ang pagpapalabas ng tubig para sa wet cropping season

Sinimulan na kahapon ng NIA-Kalinga ang pagpapalabas ng tubig sa Upper Chico River Irrigation System para sa wet cropping season.

Isasagawa rin ang tatlong araw na paglilinis sa main at lateral canals upang matanggal ang mga naipon na kahoy at dahon sa dalawang buwan na water cut off.

Ipagpapatuloy naman ang desilting of canals upang maging mabilis ang daloy ng tubig.

Kaugnay nito, napapatubigan ng Upper Chico River Irrigation System ang 15,000 ektarya ng bukirin ng mga magsasaka mula sa Tabuk City, Pinukpuk, Kalinga at ilang bayan sa lalawigan ng Isabela.

Mag uumpisa ang wet cropping sa buwan ng Hulyo hanggang Nobyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *