NIA pinaghahandaan ang El Nino, prepositioning ng mga punla isinagawa na sa mga vulnerable farmlands

Tuloy-tuloy ang paghahanda ng National Irrigation Administration o NIA sa posibleng epekto ng El Nino phenomenon.

Kaya naman nag-prepositioned na ng mga seedlings ng high value crops ang NIA sa mga El Nino vulnerables farmland.

Sa news forum sa Quezon City nitong Sabado, sinabi ni Josephine Salazar ang Officer in charge ng Engineering and Operations ng NIA, tinatayang nasa 257,600 hectares sa buong bansa ang natukoy na vulnerable areas.

Kabilang dito ang ilang sakahan na nagtatanim ng high value crops sa Soccsksargen, Zamboanga Peninsula, Central at Western Visayas, MIMAROPA, Central Luzon at Ilocos region.

Maliban sa pag prepositioned ng mga seedlings, inilahad pa ni Salazar na may mga nakalatag na rin silang immediate measure na kasama sa 2024 propose budget para sa El Nino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *