Nicaraguan Pres. Ortega ipinag-utos ang pag-expelled sa dalawang Catholic Nun

Dalawang madre na nagtrabaho sa isang nursing home sa Nicaragua ang pinatalsik o na-expelled sa bansa ngayong linggo.

Ito ay sa gitna ng malawakang crackdown sa mga lider ng oposisyon, mga mamamahayag at simbahang Katoliko ni Nicaraguan President Daniel Ortega.

Inakusahan ni Ortega ang simbahang Katoliko ng pagsuporta sa mga protesta laban sa gobyerno noong 2018, na binansagan ng kanyang gobyerno na “attempted coup.”

Hinikayat naman ni Bishop Manuel Eugenio Salazar Mora. ang mga tagasuporta na manalangin para sa simbahan, at para sa isang obispo ng Nicaraguan na nagngangalang Rolando Álvarez, na nabilanggo noong Pebrero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *