Hindi muna makakasali sina Matt Nieto at Dave Ildefonso sa pagsabak ng Gilas Pilipinas sa third at final window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark Pampanga at sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia.
Ayon sa SBP, nagtamo ng injuries ang parehong basketbolista habang sila ay naghahanda sa loob ng bubble sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
Inihayag ni Gilas Pilipinas Men Program Director Tab Baldwin na may “broken hand” si Nieto na dahilan upang hindi ito makalaro sa halos buong buwan ng June at posibleng tumagal pa ito hanggang July.
Gayunman, sinabi ni Baldwin na umaasa pa rin sila na makakabalik si Nieto para sa FIBA Asia Cup.
Ipinaliwanag naman ni Baldwin na kinailangan umalis ni Dave dahil sa hinihinalang stress fracture sa paa nito.
Base anya sa second opinion ng doktor, ay lumabas na meron itong deep bone bruise na dahilan kung bakit sasailalim ito sa rehabilitasyon ngayong June, ngunit umaasa sila na makakabalik ito sa pool sa July.
BNFM Bicol—NADAGDAGAN na ang kursong pwedeng pag-aralan sa Catanduanes State University (CATSU), sa islang probinsya…
Umabot sa mahigit dalawang daan ang hired on the spot sa isinagawang job fair sa…
GIPAHAYAG sa labaw sa komitiba sa transportasyon nga si Kagawad Dominador Lagare Jr. nga plano…
NAKA KUSTODIYA karon sa Bula Police Station ang duha ka lalaki nga gidakop sa hiniusang…
KORONADAL CITY – UMABOT sa P 281.2 million na halaga ng cash assistance at livelihood…
POSIBLENG sa adlaw’ng Lunes pa pormal nga mapasaka sa kapulisan ang kaso batok suspek sa…