Nigerian national, arestado sa buybust operation sa Angeles

Arestado ang isang Nigerian national sa ikinasang buybust operation ng Angeles city police office kagabi.

Kinilala ang suspek na si Ejike Emmanuel Chinedu, 27 anyos at naninirahan sa Mabalacat City.  

Nakuhanan si Chinedu ng 3 pakete ng shabu na tinatayang may timbang na 20 gramo, at nagkakahalaga ng 136 thousand pesos.

Mahaharap naman ito sa kasong pag labag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *