Arestado ang isang Nigerian National na nanulak sa isang babae sa high-rise building sa Muntinlupa City.
Kinilala ang salarin na si Uchenna Christian Ezah.
Batay sa ulat ng Muntinlupa Police, itinulak ng suspek si Mary Mae Garcellam sa 15th floor ng condominium building sa Barangay Buli.
Habang sinampahan naman ng kasong homicide at nasa kustodiya pa rin ng kapulisan ang suspek habang hinihintay ang preliminary investigation proceeding.