Bigong makapasok sa top 20 ang representative ng Pilipinas na si Nikki de Moura sa coronation night ng Miss Grand International sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Ito na ang ika-apat na pagkakataon na hindi nakasama ang Pilipinas sa finals night ng nasabing pageant.
Kung maalala, muntik nang masungkit nila Samantha Bernardo at Nicole Cordoves ang golden crown matapos ang kanilang first runner up finish noong 2016 at 2021.
Sa huli, kinoronahan ng Miss Grand International ang kandidata ng Peru na si Luciana Fuster.