Ninong na ginahasa ang inaanak, arestado!

Tuluyang nahulog sa kamay ng Mabini Municipal Police Station ang isang butcher na most wanted sa kasong panggagahasa at sexual assault sa ikinasang operasyon sa Brgy. Reformista Limay, Bataan.

Kinilala ng Mabini MPS ang suspek na si Romulo Perez, 44 taong gulang at residente ng Brgy. Anilao East, Mabini, Batangas.

Sa bisa ng warrant of arrest ay nahuli ng Mabini MPS, Batangas PNP, Limay Municipal Police Station, Bataan PPO at iba pang police unit ang suspek dahil sa kaso ng panggagahasa at dalawang kaso ng sexual assault.

Ayon sa imbestigasyon, Marso 26, 2018, inihabilin sa suspek ang batang biktima na kanyang inaanak para bantayan habang nagtatrabaho ang ama nito.

Habang naglalaro ang biktima sa kwarto ay ginawa umano ng suspek ang kahalayan sa nasabing biktima.
Si Perez ay tinaguriang Most Wanted Person National Level na may pabuya na P140,000.00 mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Mabini Municipal Police Station ang naarestong most wanted person.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *