Nipah virus mas malala kumpara sa COVID-19, mga pantalan at paliparan dapat higpitan para hindi makapasok ang virus ayon sa isang health official

CAMARINES NORTE – Hindi dapat balewalain ang Nipah virus kahit hindi pa ito nakakapasok sa Pilipinas dahil mas malala ito kumpara sa COVID-19.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco dapat na ngayon pa lang ay paghandaan na ito bago pa man makapasok sa bansa.

Batay sa inisyal na pag- aaral, ang Nipah virus ay galing sa paniki na maaaring mai- transmit sa tao ng ibang hayop tulad ng baboy sa pamamagitan ng laway, ihi at iba pang fluids.

Ang mga sintomas nito ay tulad  din ng COVID- 19 na nagdudulot ng mataas na lagnat at ang pasyente ay pwedeng makaranas ng kombulsyon, pagkalito at pamamaga ng utak.

Ang kaibahan lang umano nito, ang COVID- 19 ay mayroon nang bakuna habang ang Nipah virus ay wala pang natutuklasang lunas dahil bago lang ito.

Kaugnay nito, sinabi ni Francisco na ngayon pa lang ay dapat higpitan na ang mga pier at paliparan para hindi makapasok ang virus. Gayunman na- contain na umano ito sa India kung saan sinasabing nagsimula ang virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *