Nitrogen calibration at balidasyon ng iba’t-ibang abono, kauna-unahang ginawa sa San Felipe

Nagsagawa ng Validation of Different Fertilizer Recommendations and Nitrogen Calibration on the Growth and Yield Performance of Rice ang Department Of Agriculture Regional Field Office 3 kasama ang Municipal Agriculture Office sa San Felipe, Zambales.

Layon nitong mapataas ang ani ng palay sa pamamagitan ng angkop na pataba.

Ang balidasyon at calibration ay isinabay sa Farmer Field’s Day sa Sitio Carampoan, Barangay Feria, San Felipe noong September 16.

Ayon sa kagawaran, ang bayan ng San Felipe ang tanging bayan sa probinsiya ng Zambales na napiling pagdausan ng programa. //Russell Banawa-BNFM IBA

PHOTO: San Felipe As One

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *