NKTI, tiniyak na hindi ipasasara ang emergency rooms kahit punuan na

Hindi sasaraduhan ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang kanilang emergency room sa kabila ng pagbuhos ng mga pasyente at kakulangan sa hospital staff.

Sa isang panayam, sinabi ni NKTI executive director Dr. Rose Liquete na umaabot ng 100 pasyente ang hinahawakan nila sa ER araw-araw.

Tatlong beses na mas mataas umano ito sa normal na kapasidad ng emergency room.

Sa kabila niyan, tiniyak ni Liquete na mananatiling bukas ang ospital.

Panawagan niya sa publiko na kung kakailanganin nila ng agarang tulong, maaari naman silang magtungo sa ibang ospital dahil na rin sa dami na inaasahang pasyente sa nasabing pasilidad. // SMM


DOH, nagpasaklolo na sa PNP at AFP para sa pagde-deploy ng healthcare personnel sa naturang pasilidad

Pinasalamatan ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa mabilis na pagtugon nito sa kakulangan ng personnel sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI).

Una na kasing nagpasaklolo ang DOH sa PNP at AFP para mag-deploy ng augmentation sa NKIT na nagkukulang na ng mga personnel dahil sa buhos ng mga pasyenteng nagpapa-dialysis, may leptospirosis, ‘o kaya nama’y na-infect ng COVID-19.

Sa Media Forum, kinlala ni Vergeire ang agarang augmentation ng mga otoridad ng kanilang mga healthcare personnel sa NKTI.

Patunay umano ito ng mahigpit na pagtutulungan ng mga ahensya ng Gobyerno sa pamamagitan ng pagshe-share ng kani-kanilang mga resources.

Sa ganitong paraan aniya ay pinakikita lamang na hindi nago-operate ang DOH, at iba pang tanggapan ng pamahalaan bilang isang opisina lamang – kundi isang national agency na tumutulong sa paghahatid ng serbisyo sa publiko.
#

RELATED STORY:

National Kidney and Transplant Institute, naabot na ang full capacity

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *