Binuksan na ang North Luzon Expressway (NLEX) connector España-Magsaysay section.
Ayon sa pamunuan ng NLEX, bubuksan ang bagong section ng NLEX upang magbigay-daan sa inaasahang pagdagsa ng motorista para sa paggunita ng Undas at Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sinabi rin ng kumpanya na makatutulong din ito para maibsan ang problema sa daloy ng trapiko sa Metro Manila lalong lalo na sa pangunahing kalsada na EDSA at C5.
Dahil dito, ang travel time o ang paglalakbay mula C3 sa Caloocan papuntang Magsaysay Boulevard sa Manila ay aabutin na lamang ng 8 minuto.
Samantala, inihayag ng toolway operator na mananatili ang kasalukuyang discounted rate na P86 para sa NLEX connector hanggang sa susunod na abiso.