Nanawagan ang NLEX sa mga sasakyang dadagsa at dadaan sa express way para sa nalalapit na Undas at Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na ihanda na ang mga RFID upang mas maging mabilis ang transaksyon at maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Kaugnay nito, hiniling ni NLEX Traffic Operations Manager Robin Ignacio na sana ay marami ng mga sasakyan ang nagpakabit na ng RFID stickers.
Batid din aniya ng NLEX management na may mga driver pa rin na magbabayad ng cash, kaya naghanda na rin sila ng plano para rito.
Ang pagdami umano ng nakakabitan ng RFID stickers inaasahang makatutulong sa pagbilis ng daloy ng mga sasakyan, at pag-igsi ng pila sa mga toll plaza.