Nakapag-deploy na ang North Luzon Expressway (NLEX) ng 1,500 personnel para sa posibeng pagdami ng mga sasakyan bago at hanggang pagkatapos ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas.
Ayon sa management ng NLEX, asahan na ang heightened patrol visibility at toll plaza assistance mula Oct 27 hanggang Nov 6.
Paliwanag pa ni NLEX Corporation President J. Luigi L. Bautista, nakikita na rin nila ang surge ng mga biyahero pagsapit ng Biyernes hanggang Sabado, maging sa susunod na linggo.
Mababatid na sunuspinde na ng Metropolitan Manila Development Authority ang number coding scheme sa Oct. 30, Nov. 1, at Nov. 2.