NNC AT DAR-Bicol, sanib-pwersa na sa pagsusulong ng masustansyang pagkain para sa mga kabataan at buntis; suplay nito, direkta nang magmumula sa mga local farmers

BICOL –  PARA matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng masustansyang pagkain para sa mga mahihirap na mga kabataan at buntis, direkta na ngayong magmumula ang suplay nito sa mga local farmers sa rehiyon.

Isang memorandum of understanding ang nilagdaan sa pagitan ng National Nutrition Council o NNC at Department of Agrarian Reform o DAR-Bicol kung saan napagkasunduan na ang mga produktong gagamitin tulad ng mga prutas, gulay, bigas, root crops at iba pa para sa Tutok Kainan Dietary Supplementation Program ay direkta nang magmumula sa mga farmer-beneficiaries ng ahensya.

Ayon kay DAR-Bicol Regional Director  Rodrigo Realubit, sa Albay pa lamang ay nasa tinatayang 620 na mga barangay ang sakop ng programa kung saan target ang nasa mahigit 3,400 na mga buntis.

Layunin din umano ng kasunduan na matulungan ang mga mga agrarian reform beneficiaries sa pamamagitan ng long-term partnership bilang mga direct supplier ng mga kailangang farm products ng NNC.

Ang ‘Tutok Kainan’ ay isa sa mga pangunahing inisyatibo ng NNC ngayong may pandemya at pagtupad sa mga serbisyong itinatakda sa ilalim ng RA 11148 o “Kalusugan Nutrisyon ng Mag-Nanay Act.

Pangunahing target ng programa ay mga ‘nutritionally at-risk pregnant women’, stunted or malnourished children na may edad 6-23 buwang gulang gayundin ang mula sa mga lugar na labis na nasalanta ng mnagdaang bagyo at iba pang kalamidad.

Photo courtesy:  DAR5 photo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *