No-Contact Apprehension sa mga lalabag sa batas trapiko sa Bataan ipapatupad na sa Linggo

Magsisimula na sa araw ng Linggo, January 16 ang No-Contact Apprehension sa lalawigan ng Bataan.

Ang sinumang may lalabag na batas trapiko ay makikita sa pamamagitan ng mga naka-install na high-end cameras sa mga pangunahing kalsada sa probinsiya.

Ayon kay Metro Bataan Development Authority General Manager Bong Pizzaro, ang may-ari ng sasakyan ang siyang padadalhan at makakatanggap ng notice of violation.

Sa pamamagitan ng plaka o conduction scticker ay malalaman kung sino ang nagmamay-ari dahil mayroon umanong ugnayan ang sistema sa database ng Land Transportation Office.

Kung sakali naman na ang sasakyang lumabag o may paglabag ay ninakaw, nasa emergency situation, at iba pang makatwirang pagkakataon maaari namang magpasa ng complaint form sa Bataan Traffic Adjudication para mag-apela.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo Courtesy: Screen grab from 1Bataan

May be an image of 1 person, food and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *