No Garage, No Registration Act, ipatupad na – transport group

Pasikip na nang pasikip ang mga lansangan sa Metro Manila dahil sa milyong-milyong sasakyan na dumaraan at nakaparada sa daan, ayon sa isang transport group.

Kaugnay nito, hiniling ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) sa Land Transportation Office (LTO) na magpatupad ng No Garage, No Registration Act.

Giit ng LTOP, sa ganitong paraan ipagbabawal ang makapagpareshistro ng sasakyan kung walang parking area.

Hinaing ni LTOP President Orlando Marquez, bagaman may mga batas trapiko na ipinatutupad ang MMDA at iba pang concerned agency ay hindi pa rin maiibsan ang sobrang trapik kung hindi mababawasan ang mga sasakyan sa daan lalo na sa Metro Manila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *