No Health Pass, No Transaction Policy ipatutupad ng DEPED

CAMARINES NORTE- Pinaigting pa ng Department of Education (DepEd) ang pagpapatupad ng Minimum Health Standards sa lahat ng mga papasok sa Division Office maging sa mga school premises.

Yan ay sa gitna pa rin ng kinakaharap na public health emergency kung saan patuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte.

Nitong Miyerkules ay nagpalabas ng Memorandum si Schools Division Superintendent Nympa Guemo na naka- address sa mga staff at personnel ng Division Office, lahat ng Elementary at Secondary School Heads gayundin ang iba pang concerned personnel patungkol sa mas mahigpit na pagpapatupad ng Minimum Health Standards.

Ito ay ang compulsory wearing of face mask and full face shields sa loob ng Division Office.

Mahigpit na ring ipatutupad ang “No Health Pass, No Transaction Policy” sa lahat ng sections o units ng Division Office.

Kaugnay nito ay mahigpit na pinaaalalahanan ang lahat ng personnel at mga bisita na sundin ang mga ipinatutupad na health protocols.

Hindi papasukin sa loob ng Division Office at School premises ang mga hindi susunod sa nilalaman ng naturang Memorandum.

May mga health personnel sa entrance gate lalo na sa Division Office at ang sinumang papasok ay kailangang mag fill- up ng Health Declaration Form para sa issuance ng health pass.

Ginawa ang paghihigpit na ito dahil na rin umano sa paglitaw ng iba’t- ibang variant ng COVID- 19 pero wala pang kumpirmasyon ang mga local health authorities kaugnay nito.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Martes, umabot na sa 322 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa probinsiya at 109 dito ay aktibong kaso.

Photo Courtesy: Anita De Luna Belmonte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *