No sail policy itinaas sa karagatang sakop ng Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Itinaas simula kaninang alas 5 ng umaga ang no sail policy sa karagatang sakop ng lalawigan ng Camarines Norte kasunod ng gale warning advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical  Services Administration.

Batay sa Sea Travel Advisory ng Philippine Coast Guard Station, strong to gale force winds ang asahang makakaapekto sa karagatang sakop ng lalawigan ngayong araw.

Kaugnay nito inaabisuhan ang mga bangkang nasa 250 gross tons pababa na huwag na munang pumalaot ngayong araw at hintayin ang mga susunod na abiso ng Coast Guard.

Sa ilalim ng Memorandum Circular patungkol sa movement ng mga bangka maaaring ipatigil ang pagbiyahe ng mga ito kung magiging delikado kahit walang nakataas sa storm signal sa isang lugar.

Nilinaw naman ng Coast Guard na maaari pa ring magpatuloy sa pagbiyahe ang pampasaherong bangka sa bayan ng Mercedes dahil nasa loob lang naman ito.

Muling maglalabas ng advisory ang PCG mamayang alas 5 ng hapon.

Simula naman kaninang umaga ay makulimlim ang panahon sa lalawigan na may kasamang pag- ambon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *