“No sailing policy” sa buong rehiyon ng Bicol, inaasahan nang ibababa – PCG Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) Bicol na hindi lamang gale warning ang idideklara, kundi asahan nang ibababa rin ang “no sailing policy” sa buong rehiyon ng Bicol.

Inihayag ni PCG Lt. Commander Emman Avila sa Brigada News FM Legazpi na papalapit na sa rehiyon ang tropical cyclone “Paeng” kaya kinakailangang asahan nang ibababa ang nabanggit na polisiya.

Bukod pa rito, sinabi niyang inaasahan na rin ang pagkakaroon ng mga stranded na pantalan sa ilang mga lalawigan sa rehiyon.

Samantala, patuloy din ang pagmo-monitor nila sa direksiyon ng bagyo  kaya mararamdaman din ang mga malalakas na pag-ulan sa rehiyon dahilan upang mas palakasin pa ang paghahanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *