“No vaccination card, No entry policy” sa mga bibisita sa sementeryo, irerekomenda ng MHO Pili

NAGA CITY—Irerekomenda ng Municipal Health Office sa Local-IATF at IMT ang No Vaccination Card, No Entry Policy sa mga sementeryo sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Ito ay may kaugnayan sa paparating na Undas 2021.Ayon kay Dr. Rafael Salles, Municipal Health Officer ng Pili LGU, kaniya itong imumungkahi sa gagawing pag-uusap kasama na ang paglalatag ng mga plano at polisiya kaugnay ng pag-alala sa All Souls at All Saints Day.

Ani Salles, bilang pag-iingat sa banta ng COVID-19 ay naisip nitong tanging mga fully vaccinated lamang ang payagang makapasok sa mga pampubliko at pribadong himlayan.

Lilimitahan din sa 50% mula sa orihinal na crowd capacity ang makakapasok sa mga sementeryo.

Subalit ayon kay Salles, dadaan pa ito sa pag-apruba ng Lokal na Pamahalaan bago tuluyang ipatupad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *