No vaccination, no entry sa So.Cot provincial capitol lang

KORONADAL CITY- SA provincial capitol lang ng South Cotabato ang No Vaccination, No Entry Policy. Ito ang nilinaw ni Governor Reynaldo Tamayo Jr batay sa naaprubahan ng Provincial Inter-Agency Task Force Against COVID 19 o IATF.


Ayon sa gobernador na layon nito na masiguro na yaong mga bakunado lamang laban sa COVID 19 ang makakapasok sa kapitolyo.

Inihayag ng opisyal na hinihintay pa nila ang approval ng regional IATF upang ito ay maipatupad na.
Hinikayat din nito ang mga opisyal at mga tatakbo sa darating na eleksyon na maging modelo at magpabakuna lalo na’t maglilibot ang mga ito sa kampanya.

Samantala, mahigpit namang ipatutupad sa lalawigan ang Safe, Swift, at Smart Passage Travel Management System o S-PASS na nagsisilbing one-stop online communication and coordination platform ng mga travelers at local government units.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *