“No Vaccine, No Entry”, ipinatutupad na sa lahat ng mga paliparan sa Bicol

BICOL – EPEKTIBO simula ngayong araw, Enero 17, ipatutupad na ang “No Vaccine, No Entry” policy sa lahat ng mga paliparan sa Bicol region.

Bilang pagsunod sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP Memorandum Circular No. 02-2022, simula ngayong araw ng Lunes hanggang sa nakasailalim sa Alert Level 3, mahigpit na ipatutupad ang nasabing polisiya sa Bicol International Airport  at iba pang satellite airports sa rehiyon.

Gayundin sinabi ng CAAP-Bicol na tanging mga fully vaccinated individuals lamang ang papayagang makapasok sa mga paliparan maliban nalang kung kwalipikado ang mga exemptions na ibinibigay sa ilalim ng Section 3 ng nasabing kautusan.

Kagunay nito, pinaalalahan ang publiko na palaging dalhin ang kanilang mga vaccination cards at IDs para na rin sa mga mabilis verification sa entrance gate.

Mababbatid na dahil sa muling pagsirit ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa rehiyon, itinaas nang National Inter-Agency Task force sa Alert Level 3 ang quarantine classification ng mga lalawigan ng Camarines Sur, Catanduanes, Albay,Camarines Norte, Sorsogon pati na ng lungsod ng Naga.

Habang ilang mga lugar din ang nagpatupad na rin ng “No Bakuna, No Labas” policy at patuloy ang pagpapalakas ng kanilang mga stratehiya upang mas maraming mga residente ang mahikayat nang magpabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published.