No Vaccine No Ride Policy sa Metro Manila, oobserbahan pa kung magiging epektibo bago ipatupad sa Olongapo

Oobserbahan pa muna ng Local Inter-Agency Task Force ng Olongapo kung magiging epektibo sa Metro Manila ang implementasyon ng no vaccination no ride policy.

Ito ay bago magdesisyon kung paiiralin din sa lungsod ang parehong polisiya na magbabawal sa mga unvaccinated individuals na sumakay sa mga pampublikong transportasyon.

Ayon kay Mayor Lenj Paulino, wala pang plano ang city government na maglabas ng executive order o ordinansa tungkol dito lalo pa’t para sa kalakhang Maynila pa lang ipinatutupad ng Department of Transportation.

Ganunpaman, pinayuhan pa rin ang lahat na magpabakuna dahil hindi malabong maging mandatory sa buong bansa ang no vaxx no ride policy ng pamahalaan.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

May be an image of dessert and text that says 'Power Fact Did you know that Garlic was given to those who built the pyramids in Egypt? This was to enhance their physical strength and endurance. Power Cells HERBAL CAPSULE Tuldukan ang Sakit! Û.a- www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published.