‘No vaxx, No ride’ policy hindi nawalan ng saysay sa pag-exempt sa mga workers – DOTr

Dumipensa ang Department of Transportation sa mga kritisismong nagsasabing wala nang saysay ang ‘No vaccination, No ride’ policy matapos sabihin ng ahensiya na exempted sa rules ang mga unvaccinated na manggagawa.

Ito ay matapos i-anunsiyo ni DOTr Arthur Tugade na papayagan makasakay sa pampublikong transportasyon ang mga hindi pa bakunadong indibidwal na papasok sa kanilang mga trabaho.

Paliwanag naman ni DOTr Undersecretary Artemio Tuazon Jr., may silbi pa rin ang polisiya dahil malilimitahan nito ang mga hindi essential travels ng mga unvaccinated.

Ang pwede lang umanong makasakay ay ang mga pasahero na may maipapakitang patunay na sila ay papasok na sa kanilang trabaho na kabilang sa mga sektor na pinapayagan sa ilalim ng Alert level 3.

Kasabay nito umapela naman koperasyon ang DOTr sa publiko sa ipinapatupad na polisiya upang maayos itong maipatupad para labanan ang COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *