Noche Buena items, nagmahal na!

Umapela ang Department of Trade and Industry sa mga manufacturers ng mga noche buena itmes na hanggat maaari ay huwag naman labis-labis ang ipatutupad nilang price increase sa kanilang mga produkto.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na sa pag-iinspeksyon nila sa ilang mga pamilihan, nakakita na sila ng pagtaas sa presyo ng mga items na karaniwang binibili t’wing pasko.

Kasama na rito ang mga ham, mayonaise, at pasta.

Pakiusap ng Trade official, huwag na raw sanang lumagpas pa sa 10% ang increase sa mga ito nang hindi naman magulat ang mga mamimili.

Hinikayat naman nito ang publiko na hanggat maaari – bundle packs na ng mga noche buena items ang bilhin para makatipid.

Chrismas lights shopping

Pinayuhan din ni Castelo ang publiko na maging maingat sa pagbili ng mga Christmas lights ngayong Holiday season.

Aniya, dapat ay maging mapanuri ang publiko pagdating sa mga bibilhing palamuti at dekurasyon para sa pasko.

Siguruhin umanong dumaan ito sa inspeksyon ng mga otoridad at mayroong ICC stickers sa packaging nito.

Sa ganitong pamamaraan ay masisigurong hindi mauuwi sa trahedya ang masaya sanang pasko dahil lamang sa sub-standard na mga Christmas lights.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.